kahalagahanngSTEM




  I. PANIMULA

Ang blog na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa STEM. Kabilang na rito ay ang mga kursong maaaring kuhanin ng isang estudyante ng STEM sa pagtungtong sa kolehiyo, mga paksa o asignaturang sa strand na ito lamang itinuturo, at kung ano nga ba ang mga benepisyo ng pag-aaral sakop nito. Bukod pa rito, may nakapaloob din ditong mga dagdag kaalaman tungkol sa agham, teknolohiya, pag-iinhinyero, at sipnayan. Ito ay patunay lamang na ang blog na ito ay hindi lamang ginawa upang magbigay detalye patungkol sa kursong STEM, bagkus ay nakakapag-abot din ng mga panibagong kaalaman sa mga mambabasa. Bukod sa mga estudyante, isa sa maaaring makinabang din sa pagbabasa ng blog na ito ay ang mga magulang ng mga mag-aaral na nais kumuha ng kursong STEM sa antas pangsekondarya. Sa pamamagitan ng babasahing ito, matutuklasan ng mga magulang kung ano ba ang landas na gustong tahakin na kanilang mga anak sa pagkuha ng STEM at kung paano ba nila maibibigay ang kanilang buong suporta sa pag-aaral ng mga ito.

II.  ANO NGA BA ANG KAHALAGAHAN NG STEM?

Ang pag-aaral ng STEM ay isang mahalagang bagay para sa atin, ikaw, ako, o tayo at bawat isa sa atin. Dahil simula noon, alam at napapansin natin ang unti-unting pagyabong at pagsulong ng makabagong teknolohiya sa ating mundo na
nagsisilbing kaunlaran ng isang lugar, lokasyon o bansa at pakikibahagi sa larangang medikal, kaya kinakailangang pag-aralan ng bawat estudyante katulad natin na pag-aralan ang strand na ito. Dahil hawak ng bawat isa sa atin ang kinabukasan ng ating mundo. Dagdag pa rito, mas lalo pang lalago at sasagana ang kaalaman ng isang mag-aaral.Ito rin ay pagsasaalang-alang ng pagkatuto ng isang estudyante upang maliwanagan at maunawaan ang mga nangyayari at mga pangyayari sa mundong ibabaw. Gayunpaman, madaming opportunidad at mga pagkakataon ang nakapaloob sa STEM. Sinang-ayunan na ito ng mga mambabatas, tagapagturo at lider ng isang negosyo. Ayon sa kanila, ito rin ay nakatutulong upang umunlad ang isang ekonomiya ng bansa katulad ng ibang sangay sa gobyerno.

III.  MGA PAKSANG NATATANGI SA STEM?

1. Biology
2. General mathematics
3. Chemistry
4. Perdev
5. Practical research
6. Statistics and probability
7. RWSS
8. Earth science
Ang mga paksang ito ay itinuturo lamang sa mga estudyanteng nag-aaral ng STEM at purong may kinalaman lamang sa mga sangay ng
siyensya at matimatika. Ang mga asignaturang Basic-Calculus at Pre-Calculus ay pag-aaral patungkol sa pagbabago ng isang partikular na bagay o kilos, Karaniwang tinatalakay dito ay ang hangganan (limit), deribatibo, serye ng walang hanggan (infinite series), at integral.Sa kabilang banda, ang asignaturang Haynayan naman ay umuukol sa pag-aaral ng mga buhay na nilalang tulad ng mga hayop at halaman. Tinatalakay dito ang iba’t ibang parte ng kanilang katawan o istraktura, pagkakagrupo ng mga bagay na may buhay, at maraming pang iba.
Kabilang din sa mga paksang limitado lamang sa mga mag-aaral ng STEM ay ang Pangkalahatang Kimika na siya namang pag-aaral tungkol sa kung ano ang bumubuo sa lahat ng bagay na nasa ating kapaligiran. Madalas ito’y tumatalakay sa iba’t ibang element at kompuwesto na matatagpuan sa ating sangdaigdig.
Panghuli ay nariyan anPangkalahatang Pisika na sumasaklaw naman sa pag-aaral ng mosyon, enerhiya, pwersa, sukat (tulad ng bilis, haba, bigat, sakop na lugar, at antas ng daloy ng kuryente), at marami pang iba.
Lahat ng paksang ito ay lumilinang sa kamalayan ng isang mag-aaral patungkol sa mga kursong nais nilang kunin sa pagtungtong ng kolehiyo. Magagamit nila ang mga kaalamang nakapaloob sa mga asignaturang ito sa pagpapalawak pa lalo ng kanilang antas ng katalinuhan sa mga susunod pang panahon.

IV.  MGA DAHILAN KUNG BAKIT NATING KAILANGANG PILIIN ANG STEM

Ang pagpili sa STEM ay parang pagpili ng "best among the rest" dahil maraming benepisyo ang maaaring makuha sa kursong ito. Ang
estudyante na kumukuha nito ay hindi lamang sa pang-akademikong
pag-aaral nahahasa kundi pati na rin sa mentalidad at abilidad nito na tumugon sa pangangailangan ng bawat isa. Ang pagtupad sa iyong mga pangarap ay isa ring bahagi nitong kurso na ito at pagkilalang lubos sa sarili kung gaano ang iyong kagustuhan sa kurso na STEM. Kaugnay din nito ang pagpuno ng pangangailangan ng bawat isa sa kanyang kakayahan at kanyang
kagustuhan.
Ang pagpili ng isang kursong angkop sa iyong hilig at gusto ay parang pagpili sa kung anong magpapasaya sa iyo. Pakatandaan na ang tamang pagdedesisyon ay may naidudulot na magandang epekto. Piliin ang kurso na babagay sayo hindi batay sa tawag ng responsibilidad ng mga taong nakapaligid sayo kundi kung paano ka makikinabang dito pati na rin ang kahalagahan nito sa inyong lipunan.
Ito ang mga rason kung bakit dapat piliin ng mga estudyante ang STEM:
* Una sa lahat, Ang mga asignatura sa
STEM ay hindi ganoon kahirap
kagaya ng iniisip ng iba. Sa katunayan, ang iba nun ay naituro na noong Junior High School.
* Matematika. Walang sinuman ang kayang mabuhay ng walang matematika. Maling isipin na kapag
STEMang kinuha mong strand, ang matematika ay sobrang hirap. Kung ikaw man ay mabuting nakikinig sa guro, mas madali mong mauunawaan ang anumang itinuturo.
* Ang STEM ay para sa lahat. Sa panahon ngayon, maraming mga bagay sa ating paligid tulad ng gadgets, appliances, at mga kagamitan na may kaugnayan sa teknolohiya. Kalakip ng STEMang ibat ibang sektor at industriya magmula sa "robotics engineering" patungo sa "rocket scientist", mula sa “veterinary surgeon" patungo sa "meteorologist". Hangga’t gusto mo
ang kasiyahan at “thrill”, ito ang nababagay na kurso para sayo.
* Maraming trabahong naiuugnay sa STEMkung kaya’t madaling kumita ng pera. Ang mga taong nagtatrabaho bilang isang inhinyero ay kumikita ng katumbas sa mga nakatapos ng law at ngayo'y patuloy na namamayagpag. Hindi masama di ba? Ayon sa pag-aaral, ang mga propesyon at trabaho na may kaugnayan sa STEM ay may mas
mataas na sahod kumpara sa iba pang sektor.
* Pagkamalikhain. Kung ikaw ay nangangamba na hindi mo maipakikita ang pagiging malikhain mo, wag na wag mong isipin na hindi mo kaya bagkus isipin mo na ito ay kaya mo. Ang STEM ay patungkol sa panibagong pagtuklas ng kaalaman na kung saan nagiging daan din sa pagtuklas ng iba mo pang kakayahan at talento
tulad ng pagiging malikhain. Ito'y pagiging isang malikhain dahil ikaw
ang siyang nagdidisenyo ng pangarap at hinaharap mo.

V.  MGA PAKINABANG SA PAG KUHA NG STEM

· Ito ang unang hakbang patungo sa inaasam mong trabaho sa ating industriya.
· Ikaw ay mahahasa sa pag iisip ng mga bagay bagay.
· Tuturuan kang maging isang matagumpay na indibidwal.
· Angkop ito sa maraming kurso na maaari mong kunin sa kolehiyo.
· Marami kang pwedeng matutunan.
· Mas mahahasa ang iyong kakayahan sa pag iisip at ito ay magiging malaking tulong sayo.
· Marami ang matutulungan gamit ang mga kakayahang matututunan dito.

Comments

Popular Posts